Pagpupugay sa mga Nagwagi ngayong Buwan ng Wika!
Isang mainit na pagbati sa lahat ng nagpakitang-gilas at nag-ambag ng kanilang husay at galing sa ating pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2025! Ang inyong talento, dedikasyon, at pagmamahal sa sariling wika ay tunay na nakapagbigay-buhay at kulay sa bawat patimpalak na ating isinagawa.
Hindi lamang ang mga nagwagi ang dapat ipagmalaki, kundi pati na rin ang lahat ng mga batang sakramentong lumahok. Ang inyong aktibong pakikilahok ay patunay na buhay na buhay ang diwa ng ating pambansang pagkakakilanlan at pagmamahal sa kulturang Pilipino.
Mabuhay ang ating sariling wika!
Mabuhay ang mga kabataang Pilipino na patuloy na nagbibigay halaga sa ating yaman at tradisyon! Mabuhay ang mga batang sakramento!









